Update: Philippines Bureau of Customs processing
04 July 2025
Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan habang binabasa ninyo ang mensaheng ito. Nais naming ipaalam sa inyo ang ilang mahalagang update kaugnay sa sa mga bagong patakaran ng Bureau of Customs ng Pilipinas tungkol sa pagsusuri at pagsunod sa mga regulasyon ng balikbayan box.
Magandang balita po—ayon sa bagong memorandum, ang mas mahigpit na pagsusuri ay ipatutupad na lamang sa mga kargamentong nagmumula sa mga bansang itinuturing na "high-risk.
Isa itong positibong hakbang at inaasahan naming makatutulong sa pagbilis ng proseso sa mga darating na linggo.
Gayunpaman, nais naming ipaalala na ngayong panahon ng peak season, patuloy pa ring inaasahan ang mataas na volume ng balikbayan containers na maaaring magdulot ng port congestion at delays sa customs processing. Kaya mahalagang maging handa, magplano nang maaga, at intindihin ang sitwasyon.
Pareho po tayo ng gusto—na makarating agad at maayos ang mga padala sa inyong mga mahal sa buhay. Pero para mangyari ito, kailangan din po naming ang inyong kooperasyon. Mangyaring sundin po natin ang estimated shipment schedules at i-consider ang delivery window na ibinibigay ng aming mga delivery partners. Ang mga gabay na ito ay ibinigay upang makatulong sa mas maayos at mabilis na serbisyo.
Estimated delivery pag katapos na discarga sa bodega:
Metro Manila: 1–15 days
Luzon Areas: 1–25 days
Visayas, Mindanao, and Island Areas: 15–30 days
Importante rin pong tiyakin na kumpleto at malinaw ang itemized description ng mga laman ng box. Nakakatulong ito para maiwasan ang abala o pagkaantala sa customs.
Patuloy naming nire-review at inaayos ang aming proseso base sa bagong impormasyon mula sa Bureau of Customs para masiguro na makakasabay kami sa mga posibleng pagbabago.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa, tiwala, at patuloy na suporta. Gagawin po namin ang lahat para mapaglingkuran kayo nang maayos.